GULO AT INGAY SA GITNANG SILANGAN

SALAG/BANAT
Hunyo 14, 2017

GULO AT INGAY SA GITNANG SILANGAN

Ni Arturo P.Garcia

Nagulantang ang buong daigdig ng diplomasya nang ipahayag ng Saudi Arabiat apat pang ibang bansa sa Gitnang Silangan ang pagputol ng kanilang diplomatiko at ekonomikong relasyon sa Qatar noong Hunyo 5.

Ang Qatar ang ika-aapat na pinakamalaking may produksyon ng langis sa daigidig. Tahanan din ito ng 170 bilyonaryo dahil dito. Ito rin ang base ng Al Jazeera, ang pinakamalaganap at respetadong pahayagang Arabo sa daigdig.

Nagimbal ang buong mundo dahil sa desisyong ito ng Saudi Arabia, Libya, Egypt at ng United Arab Emirates (UAE) dahil napalaki ng implikasyon nito sa Gulf States at sa Gitnang Silangan.

**

Nasa Qatar din ang pinakamalaking base militar ng US. Mula dito nagmumula ang mga pandigmang eroplano na nagbobomba sa mga kaaway ng US mula Syria hanggang Afghanistan.

Kaya nga maraming nagulat ng kumampi kaagad si Trump sa Saudi Arabia. Pagkatapos namin ng ilang araw, kumampi naman ito sa Qatar at ngayon ay nakikipagnegasosayon sa dalwang panig para maresolba ang krisis sa Gitnang Silangan.

Para sa Pilipinas, ang may higit na 2 milyong manggagawa nasa Middle East ay apektado ng krisis na ito Nakansela lahat ng lipad ng eroplano papuntang Qatar at paalis mula dito.

***

May higit sa 200,000 Pilipino na nasa Qatar. Ito ang ikaapat na malaking populasyon ng mga OFW sa Gitnang Silangan. Nanguguna ang Saudi Arabia na may higit 1 milyong Pilipno sa bansang ito.

Kaagad na ipnagbawal ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga OFW sa Qatar. Pero kaagad namang binawi ng DOLE ang utos dahil wala namang matinding gulo na naganap mula Hunyo 5.

Hanggang ngayon nagsisikap pa ang Kuwait at ang Amerika na lutasin ang suliranin sa diplomasya. Ngunit hanggang wala pa ring nangyayari sa usapan.

**

Ano ang dahilan ng gulong ito at sa desisyon ng Saudi laban sa Qatar?

Ang sabi ng iba, nagalit ang Saudi dahil sa nagsasariling pasya ng Qatar. Sumusuporta ito sa mga kalaban ng mga kapwa bansang Arabe.

Sinuportahan ng Qatar si Assad ng Syria, ang Yemen na kaaway ng Saudi, ang Muslim Brotherhood sa Egypt at ang Iran. Suportado din nito ang Turkey. Dahil dito, suportado ng Iran at Turkey ang Iraq sa nagaganap na iringang diplomatiko.

Sa katunayan, nagpadala ng tropa ang Turkey sa Qatar laban sa bantang pagsalakay ng Saudi. Gayundin ang IRan ay nagpadala ng kinakailngang mga pagkain tulad ng gulay at prutas sa Qatar na ginigipit ng kalapit bansa nito.

**

Pinaratangan naman ng Turkey ang UAE sa pagsuporta sa kudeta laban sa Turkey, Nagpadala daw ng higit tatlong bilyong dolyar( $3B) ang UAE sa mga militar na nagkudeta laban kay Erdogan sa Turkey noong 2016.

Subalit ang sabi ng marami, kinagagalit ng mga bansang Arabe ang pagbabalita ng Al Jazerra laban sa kanila, lalo na ang Saudi Arabia at Egypt. Sa katunayan, ipgabawal na ang Al Jazeera sa mga bansang ito.

Ngunit ang sinasabi ng maraming nagaanalisa sa suliranin ay galit ang inggit ang Saudi sa Qatar dahil maliit nga itong bansa pero napakamakapangyarihan at hindi maaring diktahan lalo ng Saudi.

**

Nababanala din ang mga trsdiyunal na bansang Arabe dahil liberal ang pamamalakad ng Qatar.

Mas malaya ang mga Qatari at moderno hindi tulad ng mga bansang Arabe na ang pamamalakad ay lubhang sinauna. Kaya nga gusto ng mga bansang Arabe na ito na paluhurin ang Qatar.

Ayon naman sa mga Qatari, “HINDI KAMI SUSUKO AT MANININDIGAN KAMi.” laban sa lahat nang nais na yumurak sa aming soberanya at kalayaan.”

***

Naiisip ko naman, sana ganito sana ang Pilipinas. Sana ganito sna ang mga numumino sa ating bayan. Matapang at may paninindigan.

Hindi bahag ang buntot sa Tsina o sundu-sunurang sa Amerika. Sabi nga ni Ho Chi Minh ng Byetnam:

WALANG PINAKAMAHALAGA SA MUNDO KUNDI ANG KALAYAAN AT KASARINLAN. “

***

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>