PAGTANGGI NG CA KAY LOPEZ, PANALO NG MGA KAPITALISTA

SALAG/BANAT
May 02, 2017

PAGTANGGI NG CA KAY LOPEZ, PANALO NG MGA KAPITALISTA

Ni Arturo P. Garcia

Matapos tanggihan ng Commission on Appointments (CA) si Gina Lopez, tumaas kaagad ng bienes ng mga kompanya ng mga mina. Nagdiwang ang mga mayayamang may-ari ng mga minahan. Nakahinga ng maluwag ang mga dayuhan.

Patunay lamang na ang Kongreso ay sadyang para lamang sa mayayaman at makapangyarihan at masalapi. Samantalang tuloy ang pahirap at pagsasamantala sa bayan at sa mga mahihirap.

Magtataka pa ba tayong si Manny (Money) Pacquiaopa ang naganunsyo ng pasya g CA sa media. Pasiklab ang kampeon, Para ngang pinatulog niya si Manay Gina. Akala siguro ni Pacquiao nakadagtdag ito sa popularidad niya. Mali siya, Mali ang Kongreso..
Lumabas lang ang tunay na kulay nila. Kongreso sila ng mga gabid at sakim!

**

Samantala, pumapel bilang tagapagsalita ng Tsina si PDUT. Wala raw magagawa ng Pinas laban sa pangangamkam ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas sa sariling dagat nito.

Waring nagiinsulto pa, nagpadala ng tatlong barkong pandigma ang Tsina sa Davao City. Tuwang tuwa naming sumalubong si PDUT. Tutulong daw ang Tsina sa Pinas laban sa mga terorista sa Sulu seas.

Sabagay, tangging ang Pilipinas lamang ang walang kakayahang ipagtanggol ang sarili nito. Ang Malaysia, Vietnam, Brunei at Indonesia ay may sariling hukbong pandagat na nagpapatrolya sa kanilang sariling teritoryo.

Ang Pilipinas lamang ang matagal na umasa sa mga Amerikano. Ngayon naman, umaasa sa Tsina na karantso ni PDUT.

**

Sa katatapos na ASEAN Summit meeting sa Maynila, bumida si PDUT at nakiusap pa sa Amerika na huwag gyerahin ang DPRK. Ayaw daw niya ng gyera na makaapekto sa Asya lalo na sa Pilipinas.

Ang masama, sa pahayag ng ASEAN, pinalabas nitong ang DPRK o Hilagang Korea ang gumagawa ng gulo at ang Amerika ang gumagawa ng mabuti. Kung tatanungin, sino ba ang nagpadala ng mapanghamong pwersa nabal sa hilagang Pasipiko.

Sino ba ang nagpanatili ng may 35,000 sundalong Amerikano sa Timog Korea sa mahigit na 70 taon at ayaw umalis dito? Sino ngayon ang gumagawa ng gulo sa Korea?

**

Kaya palpak ang pamumustura ni PDUT na ahente ng kapayapaan. Sabagay ayon sa ulat mismo ng PNP, may 12,000 na ang napapatay sa EJK sa Pilipinas,

Ang nakakatawa pa ay inimbitahan pa ni Trump si PDUT na bumisita sa Amerika. Bilang ganti ito sa pagimbita ni PDUT kay Trump para sa APEC Meeting sa Manila sa Nobyembre.

Sabagay, pareho silang pasistani Trump. Hindi na ito nakapagtataka. Ang magkakapareho ay magkakasama.

**

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>