Daily Archives: April 17, 2017

ANG MULING PAGBANGON NG PASISMO

SALAG/BANAT
Abril 17, 2017

ANG MULING PAGBANGON NG PASISMOabe-speaking-trump0

Ni Arturo P. Garcia

Lubhang nababahala ang mundo, lalo na ang Europa dahil sa muling pagbabangon ng ng pasismo.

Mukhang nagbago ang ihip ng hangin mula nang mahalal ang mga populista at di-umano’y makabayang mga lider ng bansang Rusya, Syria, Turkey at ang pinakahuli ay ang Pilipinas at Amerika.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng referendum sa Turkey at sa wari, nanalo sa proseso ang lider ng Turkey na si Tayyip Erdogan kaya mapaplawig ang kanyang termino ng siyam na taon pa.

Ito rin ang hakbang sa Pilipinas kaya gigil na gigil ang mga tauhan ni PDUT na gawing Federal na Republika ang Pilipinas. Sa proseso, malulusaw ang lumang republika. Tatayo ang Federalismo na bubuuin ng mga Federal na estado sa mga rehiyon.

**

Mukhang nagiging tunguhin sa mundo ang paghahalal ng mga malalakas na lider na populista at makabayan tulad ni Putin ng Rusya na mapangahas at matatag sa harap ng pambubuska ng Europa o ng NATO maging ng Amerika.putin

Nandindigan si Putin laban sa agresyon ng NATO sa Ukraine at sa Ossetia. Hindi siya nangiming magpadala ng mga tropa at suportahan ang mga maka-Rusyang rebelde sa Silangang Ukraine

Tinapatan ang pwersang pandigma ng NATO ng pwersa sa pwersa sa kanyang hangganan ng Rusya sa Polandya, Lithuania, Estonia at Latvia sa Baltic Sea at iba pang hangganan .

**
Sinugpo din ni Putin nang mabisa ang mga eksrimistang Muslim na suportado ng Amerika/CIA sa Chechenya, sa mga Muslim na bansa ng Rusya at lalo na sa Syria .

Hindi lamang iyon, nagpadala pa ng tulong militar at aktibong suportang militar ang Rusya sa Syria tulad ng kanyang air force laban sa ISIS. Samantalang tameme naman ang Amerika dito.

Kaya nga malakas ang suporta ng mga Ruso sa kanilang Pangulo na si Vladimir Putin na pinaparatangan ngayon sa Amerika na siyang nagpanalo kay Trump sa nakaraang eleksyong 2016.

**

Sa Amerika, tuluy-tuloy ang mga protesta laban kay Trump. Lalong bumababa ang popularidad nito sa loob ng kanyang unang 100- araw dahil sa mga nakaunpopular na mga hakbang.

Nabigo ito na buwagin ang ACA o ang tinatawag niyang Obamacare. Dahil sa may 24 milyong ang maapeketuhan ng habang na ito.

Pambawi ng kanyang mga unpopular na hakbang, tinira ni Trump ng mga missile ang Syria. Nagdulot ito ng pagitan ng US at ng Rusya. Kaya naman, nagpadala ito ng mga barkong pandigma sa Syria para magpakita ng suporta.

Kamakailan lamang binantaan nito ang PROC at ang DPRK na gyegyerahin niya ito kapag sumubok itong muli na magtesting ng kanyang mga missiles. Ipinadala niya ang kanyang Bise-Presidenteng si Mike Pence sa Timog Korea.

***

Mukhang nasiyahan ng husto si PDUT sa kanyang pagdalaw sa Gitnang Silangan. Doon libre siyang nakapagmura. Hindi niya magagawa ito sa Pilipinas dahil Mahal na Araw at sasawayin siya ng Simbahang Katoliko.digong-gunggong

Nilantakan ng mura ni PDUT hindi lamang ang mga kalaban niya sa pulitika kundi ang “mga mayayaman” daw na umaapi sa sambayanan. Binanatan niya ang mga Lopez ng ABS-CBN, ang mga Prieto ng PDI, maging sina Lucio Tan at ang mga Ongpin.

Nakabalik na sa Pilipinas si PDUT, pero kung umaasa kayong babango pa ang kanyang bibig at hihinto sa pagmumura, huwag na kayong umasa. Hindi na magbabago ang isang lumang aso na nasanay na sa pagmumura.

**

Tanggapin na lang kayo at magtika dahil nalinlang kayo noong nakaraang eleksyon ng 2016. Ito ang pinagmamayabang ni PDUT na naihalal daw siya ng may anim na milyong lamang sa nakaraang eleksyon.

Magtiyaga na lang kayo tulad ng pagtitiis ninyo sa Amerika kay Trump. Apat na taon ang pagtitiis ninyo. Samantalang sa Pilipinas, anim na taon pa ang titiisin ng gma taumbayan.

Kung magkabisala pa, kung itutuloy ni PDUT ang pagdedeklara ng martial law ang kanyang Federalismo, magtiis na lang kay kay DUTERTIMISMO.

Habang buhay na buhay sa impyerno.

***