SA IKA-31 TAON NG EDSA PEOPLE”S POWER REVOLUTION

SALAG/BANAT
Pebrero 26, 2017

SA IKA-31 TAON NG EDSA PEOPLE”S POWER REVOLUTION15232186_10208859863868460_4949690018749180156_n

Ni Arturo P. Garcia

May mga hindi nasiyahan sa opisyal na pagdiriwang sa unang taon ni PDUT sa ika-31 taong EDSA People’s Power Revolution. Ginawa daw itong “simple at tahimik”

Ang masama pa, nagrali ang mga maka-PDUT sa Rizal PArk para suportahan ang gyera laban sa droga, korupsyon at kriminalidad ni PDUT.

Unang-una na si FVR na nagmamalaking siya ang bida sa rebolusyon kung saan sila kumalas sa Diktadurang Marcos sa apat na araw na rebolusyon ng EDSA noong 1986. Paano ba? Nawalan siya ng tanghalan kung saan siya bibida.

Kaya siguro sa galit, pinetserahan niya ang peryodistang si Christian Esguerra sa pagdiriwang sa EDSA. Ganoon din piangasalitaan niya si Andanar ng Presidential Communications Office na napaamang na lang sa inasal ng dating Pangulo.

**
Ang mga natuwa naman ay mga nagtatangkang sila ang bida ng EDSA. Sina Juan Ponse Enrile at ang bata nitong si Senador Gringo Honasan. Suporta sila sa :tahimik at simpleng pagdiriwang ng EDSA.

Sabi pa ni Enrile sa mga kabataan,: kayong mga kabataan bakit kayo magfifiesta? Bakit kayo magdiriwang, hindi naman fiesta ang EDSA.” Siyempre pa nagecho naman si Honasan.

Ito rin ang koro ng mga kabinete ni PDUT, ” Hindi naman daw minemenos ang EDSA.”

Eh, ano pa ba ang ginagawa ninyo. Mangani-ngani ngang dedmahin ninyo na nagyari ang EDSA noong 1986.

***
Gayunman, kitang kita na ” hampas sa kabayo,latay sa kalabaw” ang ginawa ni PDUT. noon pa man, siya ay walang maliw at lantarang maka-Marcos. kaya ayaw niya sa EDSA.

Isa pa ang tunay na target ni PDUT ay si Noynoy Aquino, kaya ipinahuli niya at ipinakulong si Senadora Leila De Lima dahil tauhan ito ni Aquino III.

Mabuti na lang at dumalo si Noynoy sa pagdiriweang ng EDSA at nagsalita.

Mahusay naman at tumatapang na si VP Leni Robredo. Mas nagiging matapang na siya sa pagtuligsa sa mga aksyon ni PDUT.

**

Halatang-halatang pikon na si PDUT kaya ang linya ng mga kakampi niya,” pagkinalaban mo si PDUT, kinalaban mo na ang gobyerno.

Kaya ang sigaw nina Panelo at Aguirre–“Inciting to Sedition” yan at :Destabilization Plots”

Mukhang talagang pabalik tayo sa panahon ni Makoy na may martial law. Tinawag nga ni dating Senador Rene Saguisag na “BAGONG MAKOY” siPDUT.

Sabagay, bagay kay PDUT ang BAGONG MAKOY, Talagang mukha siyang KENGKOY.

***

Kaya bilang ganti, hindi lang pinagmumura, iba’t ibang pangalan ang ikinakapit niya sa mga kalaban niya. Tinawag nga niyang” mga unngoy” ang mga obispo ng simbahang Katoliko.

Ang anak naman niyang si Sarah Duterte ay tinawag pang :higit pa sa isang daang Duterte” ang Arsobispo Soc Villegas ng Pangasinan. ”

Hindi na maipintang mga pangwawalanghiya na ang mura ni PDUT sa mga kalaban niya. Noong una pa, hindi na ako naniwala sa sinabi ni PDUT na ” hindi siya mapaghiganting tao.” at nanawagan sa ” pagkakaisa ng lahat ng Pilipino”.

***

Hindi lang siya mapaghiganti at pikon, kundi sobra pa doon.
Kaya hindi lang pikon si PDUT kundi galit na galit siya sa EDSA Revolution ng 1986.

Ang tunay na problema ni PDUT hindi niya mabubura ang kasaysayan. Ang sinumang magtangkang bumura sa kasaysayan ay siyang mabubura sa kasaysayan.

Napatunayan na yan sa kasaysayan. Dahil ang kasaysayan ay isang malupitna musa. itatapon nyasa kangkungan ng kasayayan ang mga magtatangkang baluktutin ito.

TANDAAN MO YAN PDUT!

****

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>