Daily Archives: January 2, 2017

BANGAG TALAGA SI ANDANAR

EPCC NEWS
January 01, 2017

BANGAG TALAGA SI ANDANAR

Bangag nang talaga
si Martin Andanar
halos araw araw
ay palagi s’yang high
di rin nag iisip
utak ay nalusaw
sa laki ng ulo
mistula ng ampaw

aba’y biruin no
kanyang ikumpara
ang kanyang idolo
kay Hesukristo pa
hindi na nahiya
praning ng talaga
wala na sa wisyo
mistulang tanga

nasobrahan kasi
sa kanyang pagsinghot
tuwinang si Digong
ay napapautot
at sa bawat buga
ng hanging mabantot
papasok sa ilong
sa utak lulusot.

#SinghotSipsipHigopAndanar

****