SAAN TAHIMIK SI DIGONG

SALAG-BANAT
Disyembre 20, 2016SAAN TAHIMIK SI DIGONG13620168_1267189539973023_1546217399480246871_n

Ni Arturo P. Garcia

Sa halos ng lahat ng paksa, mula sa pakikialam ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa panganib ng droga, nagsasalita si Digong Duterte. At wala siyang tigil sa kadadakdak.

Ngunit sa isang bagay lamang tahimik si Digong. Ito ay hinggil sa inhustiya at sa kalagayan ng hustisya at sa proseso ng hustosya sa Pilipinas.

Marahil dito siya mismo ang dahil ng pinakamalaking inhusitsya sa Pilipinas. Ito ang pagpatay ng may higit sa 6,000 akusado ng pagbebenta ng droga ng walang kaukulang proseso sa batas.

At kung pagbabatayan ang kanyang mga pinasasabi, alam na natin wala siyang pakiaalam sa batas at kawalang hustisya sa Pilipinas.

**

Isa sa mga popular na sinabi ni Pangulong Ramon Magsaysay ay “ ang mga kulang sa yaman ay dapat magkaroon ng malaking hati sa batas.”

Ang nakaraang Pangulong BS Aquino III ay nagtangkang “maglunsad ng reporma sa batas at hustiya sa Pilipinas.”

Una, pinatalsik niya ang Hepe ng Kuarta Supremang mandaramong na sI CJ Corona. Sa katunayan, ipinaaresto niya at ipinakulong sa unang pagkakataon ang tatlong senador na garapalang nandambong ng yaman ng bayan.

Dangan nga lamang hindi niya pinag-usig ang mga malalapit sa kanya. kahit ano pang galit ng masa, nagtaingang kawali si Noynoy.

Ito ang dahilan kung bakit pumalyaang kanyang sinasabing reporma at nasira ang kanyang “tuwid na daan”. Ito rin ang dahilan kung bakit nanalo si Digong sa kanyang kandidadatong si Mar Roxas,

13770342_10153859917897734_7440132913465371467_n**

Sa kabilang dako, si Digong ay TAHIMIK at WALANG SINASABI o pinabanggit hinggil dito. Sa bagay na ito tahimik siya. Ang lagi niyang sinasabi ay “ Korupsyon galit ako dyan.” TAPOS ANG KWENTO.

Ang lagi niyang pinakauulit-ulit at pinagduduldulan sa mga tao ay “papatay pa raw siya ng marami para masugpo ang droga.” TAPOS.

Kahit pabalat-bunga, wala siyang sinasabi tungkol sa hustisya o kawalang hustisya sa Pilipinas. Dahil nga alam nga nyang marami siyang nalalabag dito lalo na sa hindi niya pagrespeto sa mga karapatang pantao ng kanyang mga kababayan.

**

Kamakailan lmang nagbigyan siya ng mga kondisyon sa tagasiyasat ng UN na si Agnes Callamard hinggil sa mga karapatang pantao bago ito makapasok sa Pilipinas.

Bakit mo pa inimbita kung hindi mo naman pala papayagang pumasok batay sa iyong kondisyon?

Ang nakakalimutan ng ibang mga tao ay, idolo ni Digong si Marcos na numero unong hindi rumespeto sa karapatang pantao noong panahon ng martial law,

Para kay Digong, ang mga Karapatang Pantao ay sagabal lamang sa pagapapatupad ng kanyang pamamahala o sariling batas. At iyon nga ang problema,

****

Kapag ang mga dapat sumunod at magpatupad sa batas ang mga unang-unang lumalabag dito, ano pa ang maasahan natin sa pagpapatupad ng batas at hustisya?

Para lamang tayong nangangarap ng gising. Ang dapat nating unawain ang pangaral ni Dr, Jose P. Rizal:

“Walang alipin kung walang paaalipin.”

***

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>