Daily Archives: November 18, 2016

LIBING NI DIKTADOR MARCOS, KINONDENA NG PESANTE-USAAT NG KOMUNIDAD PILIPINO-AMERIKANO

PESANTE NEWS
November 19, 2016

LIBING NI DIKTADOR MARCOS, KINONDENA NG PESANTE-USA AT NG KOMUNIDAD PILIPINO-AMERIKANO

Los Angeles– Magnanakaw hanggang sa libingan!

Mariing kinondena ng Pesante -USA ang pagpupumilit ng Presidente DU30 na ilibing sa LMNB ang kanyang idolong diktador. Kahit anong hugas kamay ng nagaastang Ponsio Pilatong si Digong Duterte ,

Malinaw ang pakikipagsabwatan ni Digong sa Pamilyang Marcos

Tulad ng aswang na takot na abutan ng sikat ng araw, biglaan at dagliang inilbing ng AFP at ng Pamilyang Marcos .
Nora May Maligmat basbas ng pasistang PRRD at ng reaksyonaryong Kuarta Suprema ang labi ni Diktador Ferdinand
Marcos ngayong Nobyembre 18, 2016 sa LMNB at ng isang diktador!

Kunwaring Payak na Libing, Isang Malaking Sarswela

Ang kunwaring payak na libing ay ginawang marangyang sirko ng Pmilyang Marcos na may balak na magbalik sa kapangyarihan. Sinuportahan sila ng pasistang AFP na nagbigay ng parangal militar sa diktador.

Kung akala ni DU30 na matatapos na ang problema niya at maghihilom ang sugat dulot ng pasismo, ginadgaran lamang ni DU30 ng asin ang sugat na nadarama ng taumbayan.

Asahan pa nila ang marami pang protesta at kung umaasa silang patatawarin sila ng taumbayan, pagkamuhi lamang ang kanilang aanihin sa kanilang pangiinsulto at kawalanghiyaan laban sa taumbayan.

Walang kapatawaran ang pagalipusta nila sa sambayan!

Si Marcos ay hindi bayani, Isa siyang pasistang Diktador!

Pesante-USA
Nobyembre 18, 2016
Los Angeles

****