Monthly Archives: September 2016

MGA GUNITA NG 44 NA TAON NG BATAS MILITAR

TULA

MGA GUNITA NG 44 NA TAON NG BATAS MILITAR
(SA KASALUKUYANG PANAHON AT SA NAKARAAN)

Ni Arturo P.Garcia

Pinakamataas na pagpupugay
Sa inyo mga kasama,
kapatid, kaibigan,
Na binawian ng buhay,
Pinatay,pinaslang,,
Ng mga kaaway,
Ipinaanod sa ilog,
Sinimento sa drum,
Inihulog sa dagat,
Mula sa helicopter
O kaya ay kinatay,
Pinaghati-hati ang katawan,
Itinapon sa sukal,
Sinunog at pinangalangdakan
Sa Plaza at gitna ng bayan,
Kayo na Hindi na natagpuan…
At patuloy na hinahanap
Ng mga kaanak na naulilang lubos.

Kayo na nakuha pa ang bangkay,
Hindi naiwanan,
Binigyan ng munting parangal,
Nilbing sa kaparangan,
Sa walang tandang libingan,
Tulad ng sabi ni Rizal,
“walang tanda ni krus
man lamang…”
natabunan ng mga dahong lagas,
ng mga bulaklak na ligaw,
sa kaparangan, bukid, burol
at mga bundok….
humimlay kayo
sa gtina ng katahimikan..

Kayo, mga martir na kasama,
Na ang kamatayan
Ay tanging kaaway lamang
Ang nakakaalam,
Dahil nagsawa na silang pahirapan,
Gahasain, laspagin,
Pilahan, lawaylawayan
Pagkatapos ay pinatay,
Sila lamang ang nakalaam…
Lihim na tanging Diyos
Kung may Diyos ngang nakakalam…
Alam naming hindi kayo mananahimik,
Hindi kayo malilimutan,
Laging buhay sa aming ala-ala
At paghihiganting di malilimutan…

Kayo na mas mapalad,
Na nabigyan ng parangal,
Nakuha pa ang bangkay,
Napaglamayan sa kalunsuran
O mga kabayanan,
Kinuha ng mga kamag-anakan,
Tinangisan ng mga magulang,
inalayan ng kandila’t bulaklak,
mga panalangin at
minartsa sa harap ng kaaway,
Na napilitang rumespeto
Sa tradisyong
Igalang ang patay,
Maswerte kayo,
At matatandaan…

Sa bawat buga
ng aming baril,
sabog ng granada’t mina,
istakato ng machine-gun
at ripleng awtomatikong tangan,
Sa pawat taong maorganisa,
Sa bawat aktibistang sisibol
At magtututloy ng pakikabaka,
Dyan man sa Pilipinas at sa labas ng bansa,
Mamumukadkad ang inyong bunga,
Sa puso at diwa ng sambayanan
na patuloy na namumulat at naoorganisa.

Siyang tunay,
buhay na buhay kayo,
Buhay kayo sa mga nawalang baryo,
Naburang mga sulok
na dating masigla at puno ng buhay,
Ngayon ay di na maalalang purok,
Nakalbo nang gubat,
gumuhung bundok,
Dating tahimik na talon.
Dalampasigang
Ginawang pook
ng mga turistang banyaga,
Naglilimayon sa bansang tinawa,
At sakdal lungkot,
Sa abo ng mga nasunog na bahay,
Sa bawat buhay na naialay,
Sa bawat katawang nilapastangan,
Sa bunton ng mga kalansay,
Sa kubling likuran sa mga bundok,
Sa bawat sanggol na bagong silang,
Na magiging rebulsyonaryo at
Magtutuloy ng dakilang pakikihamok. .

Hindi kayo malilimutan,
Hindi kayo malilimot,
Sa gitna ng pakikibaka,
Kayo ay may bantayog,
Sa liyab ng libong sulo,
Sa bawat sabog at putok
Na lumilipol sa kaaway,
Kayo ay buhay na moog,
Sa bawat sigaw ng pakikibaka,
Sa bawat sulong ng bansa,
Sa labas man o sa ibayong dagat,
Ang dagundong at unos na nilikha ninyo,
Paulit-ulit na sumasabog, ,
Hanggang sa ang kalayaan,
Tagumpay ay maabot,
Alay naming sa inyo—patuloy
Na pagsisikap at paggunita
Na di maarok.

Apg
Setyembre 23, 2016

**

LA JOINS REMEMBRANCE OF THE 44 YEARS OF MARTIAL LAW

JFAV UPDATES

September 24, 2016

LA JOINS REMEMBRANCE OF THE 44 YEARS OF MARTIAL LAW

LOS ANGELES- IT WAS A FULL HOUSE AT THE TALAKAYAN CLUB.

14433137_10207568420553933_3361123457816593864_n

Community leaders in Los Angeles commemorated the 44th year anniversary of the declaration of martial law in thePhilippines, September 22, 2016 at the TALAKAYAN CLUB, held at 2328 Manila Terrace Social Hall, Historic Filipinotown, DTLA.

In a solidarity action with the different cities of the United States. With San Francisco as the spearhead, Los Angeles did it share.

With a lively discussion on EJK and the removal of SenatorDe Lima as Chair of the Senate Justice Committee,the LA Filam Leaders were united in condemning the abuses of the EJK.

They asked the DU30 Government to adhere to human rights and safeguard against the abuses, protect the innocent and punished those who are responsible for this vigilante killings.

NEVER AGAIN MARTIAL LAW!

***

US-WIDE COORDINATED ACTIVITIES TO MARK THE 44TH YEAR OF THE DECLARATION OF MARTIAL LAW.

JFAV UPDATES

September 24, 2016

US-WIDE COORDINATED  ACTIVITIES TO MARK THE 44TH YEAR OF THE DECLARATION OF MARTIAL LAW.

San FranciscoNEVER AGAIN MARTIAL LAW!

TODAY,SEPTEMBER 22, 2016, WE HELD COORDINATED COMMEMORATIVE ACTIVITIES TO MARK THE 44TH YEAR OF THE DECLARATION OF MARTIAL LAW.14449951_10157543272370014_8318133145918085921_n

WITH SAN FRANCISCO AS THE LEAD, In Los Angeles, the TALAKAYAN CLUB, did a simple discussion on EJK and the abuses of the anti-drug drive.

With more than half ( or 2,000 ) of the 3,500 killed as “unexplained killings” we ask the Duterte Regime to observe the proper process so the innocents will not be “collateral damage”.

PROSESO HINDI ABUSO! 

 

NEVER AGAIN MARTIAL LAW!

DUE PROCESS, NOT ABUSE IN THE ANTI DRUG WAR.

***

 

ON THE 44th YEAR OF THE DECLARATION OF MARTIAL LAW IN THE PHILIPPINES: WE SHALL NEVER FORGET!

ALLIANCE NEWS
September 21, 2016

ON THE 44th YEAR OF THE DECLARATION OF MARTIAL LAW IN THE PHILIPPINES: WE SHALL NEVER FORGET!

Los AngelesNever Again Martial Law. Marcos is No Hero!

14257546_10154554964525229_7974394110638218201_o

The Alliance-Philippines, a progressive Filipino American alliance based in the United States, militantly mark the 44th year of the declaration of martial law in the Philippines with greater courage, renewed militancy and braver perseverance to fight the resurgence of fascism in the Philippines.

The Alliance is proud to have in its ranks the most proven, militant and jaded veterans of the First Quarter Storm (FQS) and people’s fighters against the 14 years of martial law and succeeding anti-people regimes in the Philippines.

We take pride in leading the successful struggle against the planned burial of dictator Marcos in the heroes cemetery in the United States and other parts of the world.

And we thank all our allies and supporter for this. We solemnly swear that will continue to fight the political comeback of the Marcos dynasty!

Red Salute

14305444_10154554963460229_5378197365707566155_o

Today, we pay tribute to our departed comrades like Jose (Ka.Joe) Navidad, Maximiano Clamor, Beth Capili, Ester-Soriano Hewitt, Gene Viernes, Silme Domingo, and allies like Yuri Kochiyama, Grace Lee Boggs Don White and others who supported our movement and who fought the dictatorship.

We salute and also honor the tens of thousands who died during the struggle for national freedom and democracy during the 14 years of martial law in the Philippines.

We particularly salute Ka. Alfred Simbulan who died recently in the Philippines. He was the deputy commander for Intelligence of the New People’s Army (NPA), General Command.

No Honors for Dictator Marcos

As we face a renewed struggle against the political comeback of the Dictator’s family who supported by none other than the current President of the Philippines, Rodrigo Duterte., we must heighten our struggle.

His planned burial for Dictator Marcos reeks of historical revisionism and political opportunism that we cannot let pass. We will continue to oppose and expose his violations of human rights and blatant extra-judicial killings We will fight all his anti-people dirty schemes all the way!

We call all our comrades, allies and the Filipino American community in general to stand firm and fight the resurgent Marcos dynasty.

We must be ready to fight the forces that want to resurrect the fascist past and plunged our nation into the abyss of the second coming of the fascist dictatorship.

NEVER AGAIN MARTIAL LAW! NEVER FORGET!

MAKIBAKA , HUWAG MATAKOT!

Alliance Philippines
September 21, 2016

***

THERE IS NO HISTORICAL BASIS FOR MARCOS TO BE BURIED AT THE LMNB-NATIONAL HISTORICAL COMMISSION

JFAV UPDATES
September 20, 2016

THERE IS NO HISTORICAL BASIS FOR MARCOS TO BE BURIED AT THE LMNB-NATIONAL HISTORICAL COMMISSION

by RapplerNHC

Los Angeles–THE National Historical Commission of the Philippines said former President Ferdinand Marcos should not be buried at the Libingan ng mga Bayani because of his spurious military record and what he did to the country during his martial rule.

In a radio interview early Monday morning, NHCP Chair Maria Serena Diokno stressed that Marcos should not be buried at the Libingan ng mga Bayani because the cemetery is a memorial to Filipinos who have done great things for the country. It is not for someone with spurious military record and one who subjected the country to tyranny. Nevertheless, she admitted that the NHCP cannot do anything to stop his burial at the Libingan ng mga Bayani since that is a presidential prerogative.

PFMDuterte, during the campaign period, said if he wins the presidential race, he would allow Marcos to be buried at the Libingan ng mga Bayani because “he is a great soldier.” Recently, it was reported that the president already gave the go signal to have Marcos be buried at the Libingan ng mga Bayani and that his family are now preparing to transfer his preserved body from the family mausoleum in Ilocos Norte to the controversial cemetery on Sept. 18, the strongman’s birthday.

Diokno, daughter of former martial law victim and nationalist human rights lawyer Senator Jose W. Diokno, said the commission has studied Duterte’s claim that Marcos is a good soldier but found out that his record as a bemedalled soldier of World War II is “fraught with myths, factual inconsistencies, and lies.”

She said the commission came to this conclusion after conducting an extensive research of historical archives on Filipino soldiers and guerilla units operating in the Philippines during the second world war.

The archives were declassified by the United States government some 20 years ago and was made available to the country through the Philippine Veterans Affairs Office, Serena added.

Furthermore, Serena noted Marcos “lied about receiving medals like the US Medal of Honor, Silver Star, and Order of the Purple Heart.” She also said “the U.S. government never officially recognized Marcos’ alleged guerilla group, Maharlika, nor his leadership of it, or his rank promotion,” from major in 1944 to lieutenant colonel by 1947.

To support its claim, the NHCP published a 26-page pamphlet entitled “Why Ferdinand Marcos should not be buried at the Libingan ng mga Bayani.” The pamphlet contains facsimiles of U.S. historical documents proving that Marcos’ military service is questionable.

The pamphlet, according to Diokno, was the result of the commission’s study and part of its mandate under Republic Act 10086 “to conduct and disseminate historical research and resolve historical controversies.” She said the pamphlet can be accessed on line at http://nhcp.gov.ph
***

PANGAKONG NAPAKO

SALAG-BANAT
Setyembre 19, 2016

PANGAKONG NAPAKO

Ni Arturo P. Garcia

20160701jb-13-620x534

“Walang nagkataon sa pulitika. Ang lahat ay binalak at plinano ng mga pulitiko. Ito ang tinatawag nilang nagkataon.”

Ayon ay Presidente Franklin Delano Roosevelt, walang nagkataon sa pulitika lahat ay sinadya. Kaya, ako, ang huling pagkakataong naniwala ako sa pangako ng isang pulitiko ay noong panahon ni Marcos. Ipinangako niyang “This Nation will be Great Again” noong 1965. Mula noon hindi na ako naniwala sa mga pulitiko.

Tinatanggap ko ang pangako pero yung maniwala ng siyento por siyento, hindi na. Pinababayaan ko na lang ang panahon ang magpasya kung ito ay totoo o hindi. Pero sa mas malamang, ang mga pangako nila ay napapako.

Halimbawa na lang si Duterte. Nangako siyang lulutasin niya ang problema ng droga, krimen at korupsyon sa loob ng anim na buwan. Pero tulad ng lastiko, ngayon humihingi na naman siya ng palugit na anim na buwan pa para tuparin ang kanyang pangako.

Kung sabagay, sinasabi naman niyang nagkamali siya ng tantya. Noong hindi pa raw siya Pangulo, akala niya hindi gannong kabigat ang problema. Hindi raw niya “kayang patayin ang lahat ng druglords at mga protector nila sa loob ng anim na buwan.”

Kaya humanda kayo dahil mas marami pang patayan ang magaganap sa loob ng susunod na taon.

Ganito rin ang pangako ng dating kalbong Presidente na hindi nakakatawa. Sabi niya ay “ walang mahirap kung walang kroup.” At tatahak daw tayo sa “tuwid na landas.” Pero paimbabaw lang pala ang pangakong ito na napako na sa kasaysayang lumipas.

Ang masama, tuwing magkakaroon ng pagkaka-iba sa mga sinasabi ni Duterte, ang lagi niyang pinagbibintangan ay ang media, local man o international. Sinisi niya ang mga ito na binabaluktot daw ang kanyang sinasabi.

Kaya nga ang reaskyon naman ang mga mamamahayag dito, ay “ huwag mo kaming sisihin. Sisihin mo ang sarili mo, Ang iyong matabil na dila at maruming bunganga.”

Nangako si Pangulong Duterte ng “Tunay na Pagbabago.” Ngunit nakakaaga pa rin na hatulan kung natupad ba niya ang kanyang mga pangako o tuluyan na itong napako sa kisame ng kasaysayan.

Umabot na sa may 3,500 ang napatay sa kampayang kontra droga. May 2,000 dito ang nasa imbestigasyon at hindi inaamin ng pulisya. Maari daw gawa ng mga sindikato o patayan ng mga sindikato. Hugas kamay na ang pulisya sa usaping ito.

Ito siguro ang dahilan kung bakit umaalma ang media, ang kaibigan nating bansa at maging ang mga kinauukulan tulad ng United Nations dahil sa lantarang paglabag sa karapatang pantao. Sabihin na natin na mga kriminal ang mga napatay, subalit sila ay tao pa rin na kailangang bigyan ng karampatang proseso bago parusahan.

Sinasabi ng mga poltical analysts, sa panahon ni Aquino III isinaayos ang proseso kahit pa mabagal ito. Sa panahon naman ni Duterte, napabilis ang proseso.Ito ang dalawang kontradiksyong naglalaban sa puso ag diwa ng sambayanan. May mga sumusuporta at nagsasabing tama lang na mamatay ang mga ito. Pagod na sila sa mabagal na proseso at talamak na burukrasya at legalidad ng hustisya na kadalasan ay pumapabog sa mga makapangyarihan at mayayaman.

Ngunit sa kabilang panig, mararaming nababagabag sa kalagayang ng pinabilis at ‘short cut” na proseso. Lalo na nang managawan ang Pangulo at ang kanyang mga taga-sunod  sa mga mamamayan na “pumatay at labanan ang mga druglords”.

Kahit sinasabi ni Duterte, “sinusunod naming ang batas” at “nirerespeto naming ang human rights”, kabalintunaan ang naganap. Kaya bakit hindi ito mapupuna ng mga taga-labas ng bansa?

Ang malaking kontradiksyon ay doon ba tayo sa tamang proseso na mabagal pero tama o sa mabilis na proseso na marami naming nasasagasaan at nasasakripisyo sa altar ng “pambansang interes” o” pambansang seguridad.”

Kaya nga balik na naman tayo sa lumang debate,”tama ba o hindi ang deklarasyon nI Marcos ng martial law?’

****

A SEASON OF SEASON OF CEASEFIRES

KOMUNIDAD
September 17, 2016

A SEASON OF SEASON OF  CEASEFIRES

By Arturo P. GarciaISIS-Controlled-Areas

It’s a good way to celebrate the coming Christmas season with a season of ceasefire in different areas of the world. In South America, its in Colombia, in the Middle East in Syria and in Asia-the Philippines.

In Colombia, the peace agreement between the Frente Armadas Revolucionario de Colombia (FARC) and the Colombian government has been concluded in Havana, Cuba and will be signed before the end of the month.

The peace agreement will end the 50 year old armed struggle in Colombia that started during the civil war between the conservative and the liberal parties in Colombia called the “La Violencia” in the 1940’s up to 2016.

In Syria, the ceasefire was a result of the peace talks between the United States and Russia in Syria. The ceasefire is for humanitarian reason, to allow the entry of humanitarian aid to refugees that number in millions in the conflict area and as a breather for both side from the killings, bombings and military offensives.

The ceasefire only last 48 hours and is renegotiates every after 48 hours of monitoring. But people appreciate it because it gives them moments of peace.

In the Philippines, as a result of preliminary peace negotiations in Oslo, Norway, the Philippine government and the National Democratic Front (NDF) gave way for the declaration of unilateral ceasefire for an indefinite period on both sides.14054299_10209124495803178_1134729115577460992_o

The first time in more than 30 years, a unilateral ceasefire agreed upon by both side sans a formal agreement and with details still to be hammered out, is in effect. And both sides have benefits and disadvantages enjoyed.

A big advantage for the Duterte regime is that the ceasefire freed several battalion of the AFP from the NPA areas to de deployed at the ASG infested areas in the Sulu archipelago, Basilan and Tawi-tawi to focus on the ISIS influenced areas.

For the NDF, it was a confidence building measures after Duterte withdraw his umilateral ceasefire order after his State of the Nation Address (SONA) last July and ordered the AFP to pursue the NPA forces. There was a spat between Duterte and Joema Sison and after the tirades from both sides, all ended well with the peace talks in Norway.

It also gives time for both sides to consolidate their forces. It is the calm before the storm.

I believe that after Duterte has consolidated the AFP and his anti-drug war, he will unleash his armed forces against the NPA just like all the Philippine President did in the 70 years history of the Philippine Republic.

As the saying goes, “in times of peace, prepare for war.”

***

JFAV COURTESY CALL ON CONGEN ADELIO CRUZ, SEPTEMBER 15, 2016

JFAV UPDATE

September 16, 2016

JFAV COURTESY CALL ON CONGEN ADELIO CRUZ, SEPTEMBER 15, 2016

14324253_10207517292835772_3537926531036130997_o

Los Angeles-The Justice for Filipino American Veterans (JFAV) and its allied organizations paid a courtesy call to Philippine Consul General to Los Angeles, Adelio Cruz last Wednesday, September 15, 2016

CONGEN Cruz gave the JFAV a 2-hour meeting at the Philippine Consulate General offices at  the Fifth Floor, 3435 Wilshire Blvd.Los Angeles, CA 90010. JFAV expressed its appreciation for the Congen and his staff.

14317513_1179038772170130_1761994469535632759_nA productive community building meeting with the Philippine Consul General and representatives from KmB, JFAV (Justice for Filipino American Veterans), FACLA (Filipino American Community of Los Angeles), ABS-CBN, and the Knights of Rizal.

We discussed ways to mobilize intergenerational organizations, uplift Historic Filipinotown, and engage the Los Angeles diaspora.

Thank you, Consul General Cruz, for your patience, insight, and support.

SALAG-BANAT

SALAG-BANAT
Setyembre 14, 2016

ANG MATANDANG ALANGANIN

Ni Arturo P. Garcia

( Simula ngayon, magsusulat ako sa Pilipino sa aking tudling o kolum na may pamagat na SALAG-BANAT sa Facebook . Ito ay para mapalawak ang aking pag-unawa sa ating wika at para sa mga Pilipinong ayaw magbasa o walang tyagang magbasa sa Ingles. Nagsimula akong sumulat sa Ingles mula noong dumating ako sa Amerika at paminsan-minsan sa ating wika.

Pero naganyak akong magsulat dahil sa pangangailangan n gating mga kababayan sa dagdag na kaalaman at impormasyon ganoon din ng opinyon para mapalawak ang kanilang pang-unawa sa mga isyung sosyal-pulitika at ekonomiko dito sa Amerika at sa Pilipinas.)

****

Kung may matandang hangal sa Tsina, mayroon naman tayo sa Pilipinas na “matandang alanganin” o matandang pailing-iling.

Ang ating bagong halal na Pangulo ay papasok na sa katapusan ng 100 araw na pulut-gata o homeymoon sa media sa Pilipinas. Gayunman dahil sa kanyang todong banat laban sa droga at at kanyang mariing pagbatikos sa “human rights” sa loob at sa labas man ng bansa, siya ay naging pulutan ng international media.

Inaamin naman ng ating bagong Panglo na siya ay tunay na isang alanganing Pangulo. Una, tumakbo lamang siya dahil ayaw daw niyang magkaroon tayo ng isang “American Citizen” na pangulo. Alam naman nating lahat, at sinasabi niyang siya ay isang reserbang kandidato lamang.

Ayon sa aking kaibigan, “ ang mga alanganing kandidato ang nanalo sa eleksyon sa Pilipinas.” Andyan si Ramon Magsaysay na alanganin noong lumaban sa kanyang itinuturing na ama si ” Tatay Pidong” Elpidio Quirino o “Apo lakay” ang unang Ilokanong Presidente ng Pilipinas na pumalit kay Manuel Roxas na namatay noong 1947 at nahalal muli nooong 1948.

Andyan din ang simpleng may-bahay na si Cory Aquino na itinulak ng simbahang Katoliko na lumaban kay Marcos at nanalo sa eleksyon ng 1986 pero naluklok dahil sa People’s Power na nagpatalsik sa Diktador Marcos noon ding 1986.

Ang ating Pangulo ay isang abogado. Naging Mayor siya ng lungsod ng Davao sa loob ng 23 taon. Kaya malawak ang kanyang karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno at ito at dinala niya sa Malacanang. Sanay siya sa pakikipagtalastasan sa mga tao. Lubos niyang nauunawaan ang mga hinaing at saloobin ng mga taumbayan ng Davao.

Ito ang dahilan kung bakit napulsuhan niya ang sambayang Pilipino. Noong walang nagsasalita sa isyu ng krimen at kaayusan sa bansa lalo na sa laganap na panganib ng droga siya ang nagtaas dito bilang isang isyu. Dahil dito pinaratangan siyang isang diktador at kung-ano-ano pang bansang na di maganda..

Kaya siya pumatok at nahalal ng may malaking mayorya sa kanyang mga kalaban. Ngunit naging kontrobesyal ang kanyang mga sumunod na aksyon lalo na sa pagbatikos siya sa “human rights” bilang sagabal sa pagpapatupad ng kanyang mandato na “alisin ang droga at wakasan ang korupsyon.”

Ang problema kasi, laging alanganin ang ilang sinasabi niya sa kanyang ginagawa. Tulad na lang ng madalas niyang sinasabing ” papatayin ” pero kapag nakipagkita sa kanya halimbawa ang isang naparatangang druglord na si Peter Lim,. Pero hinarap pa niya at kinausap ito.

Sinasabi niyang “walang sisihan” at “gusto niya ng pakikipag-ayos” subalit ipinalilibing naman niya ang Diktador na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani na nagdulot lalo pa ng matinding hidwaan sa lipunang Pilipino.

Kamakailan lang, ilang beses siyang nagsirko at ang malala pa, pinagbitangan pa nya ang medya na”nambaluktot ng kanyang salita” ng murahin niya si Pangulong Obama ng Amerika. Hindi raw niya minura ito.

Hindi raw niya binoykot si Obama pero nang nakabalik na siya sa bansa, inamin din niyang” sinadya niyang hindi dumalo sa presentasyon ng UN at ni Obama sa ASEAN.”

Noon pa lamang kampanya sa eleksyon ng Mayo 2016, napasin ko na ang ugaling ito ni Duterte. Kung minsan sinasabi niya,” hindi naman kayo marunong kumilala ng biro.” Madalas, iba ang sinasabi niya ngayon, sa sasabihin niya bukas.

Ang nahihirapan at naapektuhan ay hindi lamang ang kanyang mga tagapagsalita kundi ang mga myembro ng kanyang gabinete. Halimbawa na lang ang kanyang tahas na pagpapaalis sa mga Ameriakno sa Mindanao. Iba naman ang sinasabi ng Kalihim ng DFA Perfecto Yasay at ng kanyang Hepe Depensang si Delfin Lorenzana.

Maaring kaya na hindi lamang alanganing kandidato si Duterte kundi alangan din siya sa kanyang sinasabi at ginagawa bilang Pangulo ?

Kayo na ang humatol, bayan ko.

***

 

Happy Eid Mubarak!

14089139_10153728563476750_2935731706573616610_n