Daily Archives: September 28, 2016

KAPAYAPAAN

SALAG-BANAT
Setyembre 28, 2016

KAPAYAPAAN

Ni Arturo P. Garcia

sub-27colombia-1-master768

Nagwakas ang may 52 taong tagal na gyera sibil sa Colombia nang mapiramahan ang kasunduaan sa kapayaan sa pagitan ng mga gerilya ng FARC at ng gobyerno ng Colombia noong Setyembre 26, 2016 sa dating kapitolyo ng Colombia, sa lungsod ng Cartagena.

Sinaksihan ito ni John Kerry, Sekretaryo ng Estado ng Estado Unidos, Presidente Fidel Castro ng Cuba at Sekretaryo-Heneral ng United Nations, Ban Ki Moon. Pinirmahan ito nina President Manuel Dos Santos ng Colombia at ng Kumander ng FARC na Rodrigo Londono aka Timoshenko.

Mas matagal lang ng ilangpung taon ang armadong pakikibaka sa Pilipinas. Kung tutuusin, mas matagal ang kasaysayan ng armadong pakikibaka ng Pilipinas kaysa sa Colobia. Nagsimula pa ito noong Ikalawang Digmaang pandaigdig mula sa mga HUKBALAHAP na naging HMB noong 1948.

Gayunman may patlang ang armadong pakikikabaka sa Pilipinas dahil humina ang HMB noong 1954-1968 hanggang sa muling maitatag ang Bagong Hukbong Bayan o ang NPA noong Marso 29, 1969.

Mula noon, hanggang ngayon, may armadong pakikibaka pa rin sa Pilipinas. Ito ay sa lilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas ( MLM) na gumagabay sa bagong Hukbong Bayan (NPA).

****

14054299_10209124495803178_1134729115577460992_o

Ngayon naman, sa Pilipinas, umiiral ang unilateral na tigil putukan na pinaiiral sa pagitan ng NDF at ng Gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Rodrigo Duterte mula noong mag-usap ang NDFP at GPH sa Oslo, Norway noong Setyembre.

May nakatakdang pag-uusap na gagawin sa susunod na lingo sa Oktubre 6. Dito pipinuhinang bilateral ceasefore, ang mga talakayan sa CASER o Socio Economic Reforms at kung paano pa mapapabilis ang usapangh pangkapayapaan sa Pilipinas.

Sa ngayon, nakikinabang ang gobyernong Duterte sa tigil-putukan dahil nakapagbunot ito ng may 10 batalyon na lumalaban sa NPA patungo sa Sulu, Basilan, Tawi-tawi at lanao Del Norte laban sa mpwersa ng ASG at ng Maute Group na kasapi sa ISIS.

****

Kamakailan lamang, binigyan ng hapunang salu-salo sa Malacanang ang mga kinatawan ng NDF, sa kauna-unahang pagkataon.

Dahil dito, marami ang nagtaas ng kilay lalo na ang mga konserbatibo at mga anti-komunistang tutol sa pagkakamalapit nia Duterte sa mga Komunista.

Ngunit sa kabila ng lahat, mukhang seryoso si Duterte na matamo ang kapayapaan sa kanyang panahon.

Kakaiba sa mga sgad-sagaring anti-komunista tulad ni Noynoy Aquino III na hindi nakipag-usap sa NDFP sa loob ng anim na taon

.***

Mukhang maaliwalas ang landas tungo sa kapayapaan sa Pilipinas. Bagamat masalimuoot pa rin ang lnadas, nagsisikap ang dalawang panig na mag-usap. Mas masalimuot pa ang pakikipag-usap sa MNLF at kay Nur Misurai.

Tinanggihan na ni Duterte ang kahilingan ni Nur Misuari na isama sa usapang pangkapayaan ang grupong ASG.Samantala, hinihintay na lamang ng MILF ang pagpapasa ng Kongreso sa binagong Bangsa Moro Basic Law o BBL na hindi nakapasa sa ilalim ng Rehimeng US-Aquino.

Bantayan na lang natin ang mga pagsisisikap tungo sa kapayapaan. Lagi tayong umasa sa lahat ng pagsisikap dahil wika nga sa banal na aklat, “ ang mga naghahangad ng kapayaan ay pinagpapala.”