Paglalakbay

JFAV UPDATES

September 26, 2016

Tula

Paglalakbay

KCM

Hinahanap ko ang lilim
ng mga kahoy sa Progreso,
Ang malumanay na ilog ng Rogus,
Ang maaliawalas na tugatog ng Buyon,
abot-tanaw ang ilog ng Cauayan at ang highway.

Di ko malimutan ang tamis ng tubig
Mula sa malalim ng balon ng Sinalugan,
Maging ang lambak ng Kalatbagen, Echague
At ang matataas na burol ng Dicamay, Jones,

Sa dulong norte, nakakaalis ang lungkot
Ang malawak tanap ng Masipi sa Cabagan,
Ganoon din ang tuktok ng markang bungo
Ng Tupa, San Pablo at duluhan ng Simanu.

Puting-puti ang kapatagan at mga burol.
Sa dami ng mga kawa ng bakang
Naglipana at naglilimayon,
Bumubuhay sa dulong hilaga.

Mahangin ang tuktok ng Pitso-Manok,
Ngunit mas malaya ang mga burol
Ng Dalaoig, Alcala na abot-tanaw ng Ilog Cagayan
Maging ang mga lambak ng Baggao ,Amulung ,
at Alcala sa Cagayan

Doon abot tanaw mo ang Balbalasang
ng Kalinga-Apayao,
ang tawag sa bundok ng nakahimlay na diwata,
Na di maglalaon, mula doon tatanawin mo naman
Ang Silangang pinagmulan

Totoo, hahanap-hanapin mo ang mga lunan ,
Kung saan nawasak ang iyong puso at kaluluwa,
Naghinagpis sa lahat ng buhay na naputi,
Sa magiting na pakikipaglaban.

Tigib ng dusa at lumbay ang dulot ng pagkawalay
Sa lupang tinubuan at sa pangarap na lamang
Gugunitain ang mga lunan na iyong pinagdaan
Sa mahabang, napakahabang paglalakybay.

JFAV:KmB.Ugnayan Lobbyist in the US Capitol, February 28-March 2, 2016

Ngayon, habang nakatanaw sa dagat Pasipiko
Sa taas ng talampas ng Los Angeles,
Minsan sa mga dalampasigan nito,
Hayaang bakasin ang mga paglalakabay,
Mga pakikibakang puspos ng gunita,
Ng mga kabiguan at tagumpay.

Ang dakilang paglalakbay
ng sambayanang Pilipino,
puspos ng giting at tapang
na pinagbuwisan ng dugo,
lagi ko itong gugunitain,
Tungo sa ganap na paglaya!

APG
Setyembre 12, 2016

***

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>