MAY PAG-ASANG MATAMO ANG KAPAYAAN SA USAPAN SA OSLO, NORWAY- Alyansa Pilipinas

ALLIANCE NEWS

August 23, 2106

MAY PAG-ASANG MATAMO ANG KAPAYAAN SA USAPAN SA OSLO, NORWAY- Alyansa Pilipinas

14054299_10209124495803178_1134729115577460992_o

Los Angeles—Nagumpisa na ang usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway noong Agosto 22, 2016 sa pagitan ng NDFP at GPH pagkatapos ng anim na taong ng kawalan ng usapan.

Malugod na ikinagagalak ng Alliance Philippines na nakabase sa Estados Unidos ang pagsisimula ng usapang pangkapayaaan sa pagitan ng NDFP at GPH sa Oslo, Norway mula Agosto 22 -27, 2016.

Hangad din ng Alliance na maging mabunga ang usapang pangkapayaan sa Oslo sa loob pitong araw para mapagtibay ang mga napirmahan ng mga nakaraang kasunduan sa pagitan ng NDFP at ng GPH, paggagawa ng mga bagong kasunduan, pagproseso ang tigil-putukan tungo sa pagtatamo ng ganap, makatarungan at matagalang kapayapaan sa Pilipinas.

Mga Krisis Sa Gitna ng Usapan

14102675_10153946958933667_9143813628016318388_n

Ito ay sa harapan ng lantarang paglabag sa karapatang pantao sa nagaganap na maramihang pagpatay ng  sa may 1,800 suspetsadong nagtutulak ng droga at mga adik na pawang mahihirap. Samantalang “espesyal na trato’ naman ang ibinibigay sa malalaking isda tulad ni Peter Lim at Mayor Espinoza ng Leyte.

Lubha ring nakakabahala ang lantarang militarisayon ni Duterte sa AFP at pulisya. Magdadag ng may 50,000 sundalo at pulis ang rehimeng Duterte laban daw sa mga terorista. Maaring paghahanda ito ng opensibang military laban sa rebolusyonaryong kilusan tulad ng NPA at MILF.

Isinusulong din ni Duterte ang pagbabalik ng kinamumuhiang paramilitary na pagsasanay na ROTC bilang pagpapalaganp daw para sa pagiging “makabayan.”ng mga kabataan.

Sa kabilang banda, malumanay naman ang tindig nito laban sa lantarang paglabag ng Tsina sa soberanya ng bansa. At waring nakikiusap pa at naninukluhod sa harap n lantarang pang-aagaw nito ng Pilipina sa dagat Tsinan a bahagi ng Pilipinas.

Paglilibing sa Diktador

14086353_1014854678627288_6708172507860663133_o

Ang pinakamalala ay ang tindig ni Duterte na ilibing ang labi ng diktador sa Libingan ng mga Bayani. Lubus itong tinututlan ng Alyansa dahil tip ay lantarang pagbaligtad sa kasaysayan at ang paparangal sa diktador ay karimarimarim pagbabayad ni Duterte ng pabor sa mga Marcos. Isang garapal na kawalanghiyaan at pambabaluktot sa kasaysayan 

Nakikiisa din kami sa pahayag ng mag-asawang Tiamzon na “ masalimuot man at komplikado ang usapang pagkayapaan, tungkulin naming subukan ang landas tungo sa kapayapaan. Ito para makamit ang tunay na kapayapaan, demokrasya at kasagaaan sa ating bansa.”

Mahigit nang dalawampung taon na ang proseso ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GPH. Sa loob ng anim na taon ng rehimeng Aquino III, walang naging makabuluhang pagsulong ang usapang pangkapayapaan.

Ang masama pa, pinatindi nito ang operasyong militar at pandakip sa mga consultants ng NDF na umabot sa 22 at mahigit na 550 bilanggong pulitikal sa buong bansa mula 2010-2016. Walang itong pinag-iba ngayon sa ginagawa ni Duterte sa kanyang kampangyang anti-droga na pumapatay sa mga inosentent tao

Para sa Alliance-Philippines

Agosto 23, 2016

 

Los Angeles

 

****

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>