RALI LABAN SA PAGLILIBING SA DIKTADOR, SETYEMBRE 7 SA LOS ANGELES

ALLIANCE NEWS

Agosto 21, 2016

RALI LABAN SA PAGLILIBING SA DIKTADOR, SETYEMBRE 7 SA LOS ANGELES

Los Angeles– Hindi bayani ang isang diktador!14086353_1014854678627288_6708172507860663133_o

Inaanyayahan ng Alyansa Pilipinas (Alliance Philippines) ang lahat na dumalo sa rali sa Setembre 7, 2016 sa harapan ng Konsulada ng Pilipinas sa 3435 Wilshire Blvd. Los Angeles, CA 9001o  para ipahayag ang ating pagtutol sa paglilibing ng rehimeng Duterte sa diktador Marcos sa libingan ng mga bayani sa Setyembre 18, 2016.

Ang paglilibing sa utos ni Dutrte ay isang lantarang pagdusta at pagbabalwewala sa lahat ng naging biktima ng karahasan ng diktadurya mula 1972 hanggang maipagbak ito noong Pebrero 1986.

Tahasamg pagbaligtad ito sa malupit kasaysayan at pagpapanibagong puri sa isang diktador na nagdulot ng maraming pasakit sa ting bayan sa loob ng 14 na taon. Nasi nitong palabasing bayani ang isang diktador na nagnakaw, nadahas at nagpahirap sa mga Pilipino.

Opurtunismo ni Duterte

Ang bayad utang na ito si Duterte sa mga Marcos ay isang talamak na opurtunismo sa pulitika. Ito ay habang diumano ay nakikipagusap ng kapayapaan sa NDF habang nilalabag ang gma karapatang pantao ng mga inisenteng biktima ng kanyang kampanyang anti-droga.

Nanawagan kami sa lahat ng demokratikong pwersa, kaibigan at kaalyado lalo na sa mga naging biktima at mga kamag-anak ng mga naging biktina ang malupit na batas militar na ngayon ay pinababango ng rehimeng Duterte, na sumama sa aksyong masang ito sa Setyembre 7, 2016

Magkaisa at labanan ang pambabaluktot ng mga maka-Marcos at ni Duterte sa Diktador!

Hindi bayani si Marcos, isa siyang talamak na pasistang diktador!

 

Alyansa Pilipinas

Los Angeles

Estados Unidos ng Amerika

Agosto 21, 2016

**

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>