Daily Archives: July 2, 2016

TRADITIONS

CULTURAL NOTES
July 02, 2016

TRADITIONS

By Arturo P. Garcia

20160701jb-13-620x534Much has been written on the last Presidential inauguration and the traditions surrounding the swearing on the 16th President of the Republic, Rodrigo Roa Duterte. Former Mayor of Davao City.

Three first were made. One is that this is the first time that the Vice President was not sworn in at the same time as the President. Second, it’s the first time, a President from Mindanao was elected and the third, this is a first time a City mayor was elected from Mayor to President.

But other traditional first that some historian are saying were debunked by the outgoing Presidential archivist, Manolo Quezon and he explained it in the television program over ANC. And here are some of it:

Duterte was not the first to be sworn in at Malacanang. Actually, he was the second after Ferdinand Marcos Sr. when he was sworn in Malacanang on February 25, 1986 and without his vice president Arturo M. Tolentino.

Actually President Duterte was not the first one who was not sworn in the Quirino Grandstand. Swearing in at the Quirino Grandstand in Luneta, Manila during the1950’s,

Several Presidents were not inaugurated at Luneta for some reasons.

General Emilio Aguinaldo was sworn in the Barasoain Church in Malolos, Bulacan on January 22, 1899, Manuel Quezon at the legislative building in 1935, Osmena was sworn in Washington DC in 1944 when Quezon died while in exile and Cory Aquino in Club Filipino in San Juan in February 25, 1986.

The swearing in formally came back to Quirino Grandstand in 1992 when Fidel Ramos . Former President stayed on in 1992 to accentuate the peaceful transfer of power after 14 years of dictatorship in the Philippines.

Unlike in the United States where former President stays at the Presidential Inaugurations, ours is very different. The outgoing president goes out dramatically in fashion.

GMA again took away the inauguration from the Quirino Grandstand to Cebu City in 2004 maybe shying away from protests due the cries of cheating her opponent FPJ during the 2004 presidential elections

Only President Manuel A. Roxas has two swearing in. The first was when he was elected as the last President of the Commonwealth when he was elected in May 1946. At the Malacanang Palace. The second one was when he was inaugurated as the first President of the free Republic of the Philippines on July 4, 1946.

That is why the flagpole at the Rizal Park is called “The Independence flagpole”. And that is why every Independence Day and Rizal Day; there is a flag ceremony at that flagpole. In Manila.

13495160_1645402952159112_6843312337910207102_nFor me, the most striking and both sad and joyful tradition that started 81 years ago, was it has become a tradition in presidential inauguration that the outgoing President will be sent off by the outgoing president by climbing down the Malacanang stairs.

And after that act of passing the torch , the incoming president will ascend the stairs as an act of his start as President.

The legend goes, that the mother of Dr.Jose Rizal climb the stairs on her knees ( lumakad nang paluhod) to ask the Spanish governor to spare the life of his son. But Dr.Rizal was still executed on December 30, 1896 despite her mother’s plead for clemency.

In recognition of her sacrifice, this tradition started. Thus 81 years ago, when Quezon when became the first President of the Philippine Commonwealth in November 1935, the proud “Kastila” made it a point to lead the last US Governor General Frank Murphy down the stairs as he vacated Malacanang, the home of the Spanish and American Governor general of the Philippines,

Quezon came up the stairs standing as a gesture that the Filipinos are free from colonial grip of a foreign power. Since then on, the story says, all the President of the Philippines climb the stairs standing as the leader of a free nation and warned not to be tyrant to his own people.

Of course Dictator Marcos was the exception.

Duterte was also an exception because he climbed the stairs alone. He is still not married to Honeylet Avancena and was divorced from Elizabeth Zimmerman. Thus, no first lady to climb with him at the Malacanang stairs.

As the “Fiddler on the Roof” sings, “Traditions.”

****

Oath Taking of the Vice President of the Philippines

EPCC NEWS

July 02, 2016

Oath Taking of the Vice President of the Philippines

Quezon City Reception House, June 30, 2016

13528778_1570573783237996_732498832630707271_nMinamahal kong mga kabayayan:

May mga sandali sa ating buhay na mas matingkad kaysa sa iba. Noong nagkakilala kami ni Jesse. Noong nasilayan ko sa unang pagkakataon ang mukha ng aming mga anak. Noong bumagsak ang kanyang eruplano.

Ngayon, narito na naman tayo sa isang mahalagang yugto.

Nagpapasalamat akong kasama ko kayo sa oras na ito. Kayong nagbigay ng inyong tiwala at umako ng ating laban bilang laban niyo rin. Samahan ninyo ulit ako sa aking bagong paglalakbay.

Ang sandaling ito ay hindi lamang tungkol sa akin. Ito ang ating pagkakataong masama ang mga nasa laylayan ng lipunan tungo sa maginhawang buhay sa mas malawak na paraan.

Sa isang katulad nating nakikipagpulong sa riles ng tren, natutulog sa bangka at sumasakay sa habal-habal para maabot ang ating mga pinaglilingkuran, ito ay isang malaking biyaya para lalo pang makapaglingkod.

Tayo ay nasa posisyong ito dahil hindi natin matalikuran ang tawag ng paninilbihan, at hindi natin sasayangin ang pagkakataong paigtingin ang ating mga ipinaglalaban.

Niyayakap natin ang responsibilidad na ito, na may buong pagpapakumbaba, pasasalamat, at pagsusumikap.

Ang mga pangarap ng ating Pangulo at ating mga plano para sa bansa ay nagkakatugma patungo sa iisang hangarin: ang mabigyan ng tunay na kaunlaran ang ating mga kababayan, lalo na ang mga napag-iiwanan.

Marami nang naumpisahan pero marami pa ring kailangang punan. Kaya ang ating panata ay malagpasan ang kahit ano pang hamon.

Hindi natin hahayaang mapigilan tayo ng ano mang balakid upang makapagsilbi at handa tayong makipagtulungan sa lahat.

Ang tanging paraan para matupad ang hangaring ito para sa ating bansa ay ang sama-samang pagkilos. Naniniwala ako na sa panahong tila may mga matitinding hidwaan na nangyayari sa mundong kinagagalawan natin, ang hamon sa atin ay magsama-sama, paigtingin ang ating pagkakaisa, at gawing lakas, hindi hadlang, ang ating pagkakaiba.

Kailangan nating gawin ang tama para sa karamihan, hindi lang sa iilan. Ang katapatan ay dapat ibigay sa ating pinangakuang pagsisilbihan kahit labag ito sa pansariling interes. Namulat tayo sa ganitong uri ng pagsisilbi at itutuloy natin habang tayo’y nabubuhay.

Bukas ang pintuan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa lahat – anuman ang katayuan sa buhay, paniniwala, o partido.

Tayo ay magiging tanggapan na palaging nakikinig sa boses ng taumbayan.

Hangad nating maging magkatuwang ang pamahalaan at pribadong sektor tungo sa pagbabago, para sa mga nasa laylayan ng lipunan na dapat nating paglingkuran.

Ang ating pagtutulungan ang ating pinakamabisang puhunan. Napatunayan na nating hindi sagabal ang anumang kakulangan sa totoo, tapat at pursigidong paglilingkod. Ang pagsubok ay kabilang mukha lamang ng pagkakataon.

Itong ito ang kwento ng ating paglalakbay. Noong nagsimula tayo, parang walang naniniwalang may pag-asang manalo. Ngunit dahil sa pagbubuklod ng ambag ng bawat isa – tulad ni Nanay Alberta na nagsangla ng singsing para makatulong sa ating kampanya, tulad ng paglalakbay muli ng Sumilao Farmers, tulad ng mag-amang pinagtagpi-tagpi muli ang napunit nating posters, tulad ng marami sa inyong kasama ko ngayon na nagsakripisyo – nanaig tayo.

Kapag naninindigan tayo para sa mga pinaniniwalaan natin, kapag handa nating pagsakripisyuhan ang ating mga layunin, ang imposible ay kinakayang gawing posible.

Kaya buo ang loob ko na marami tayong magagawa sa anim na taon. Inaaya ko kayong lahat na nais tumulong na magtungo sa ating tanggapan para sabay tayong mangarap at kumilos para mabigyan natin ng mas magandang buhay ang ating mga kababayan.

Pagsama-samahin natin ang ating mga hangarin at kakayahan upang makalikha tayo ng makabuluhang pag-unlad.

Ang pangunahin nating tututukan ay gutom at sapat na pagkain, kalusugan para sa lahat, kaunlaran ng kanayunan, edukasyon at people empowerment. Sa mga larangang ito, walang dapat sayanging oras. Ang pangarap natin ay maibsan ang paghihirap sa lalong madaling panahon. Niyayaya ko kayong muli akong samahan sa paglalakbay na ito.

Sa unang isandaang araw, plano nating magtungo sa malalayo at maliliit na barangay sa bansa, upang alamin ang mga bagay na nais niyong matugunan.

Ito ang sinimulan na nating gawin sa ating distrito sa lalawigan ng Camarines Sur – kung saan ako isinilang, nag-aral, nagtayo ng pamilya, namulat sa mga problema ng lipunan at kung saan napudpod ang ating mga tsinelas sa paghahanap ng mga mabisang solusyon sa kahirapan.

Umaasa tayo na sa pagdala natin sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa inyong mga barangay, mas mararamdaman ninyo na totoong nariyan ang pamahalaan para sa inyo.

At kapag nadama ninyo iyan, magkakaroon din tayo ng inspirasyon na simulan ang pagbabagong loob.

Nakita natin ito sa mga magsasaka at mangingisda na ating natulungan, sa bawat inabusong asawa na ating binigyang lakas, o sa bawat katutubo o manggagawang nakasalimuha.

Anumang pagbabago sa ating bayan ay nagsisimula sa pagpupursigi ng bawat Pilipino. At kapag nagkaisa tayo, walang imposible.

Sabi nga ni Jesse nuong siya ay nabubuhay pa: “What brings us together as a nation is far more powerful than what pulls us apart.”

Sa panahon ng matinding hidwaan, ang pagkakaisa ng bansa ang tanging pag-asa. Iba iba man ang ating pinanggagalingan, iisa ang ating hangarin: na ang bawat pamilyang Pilipino ay mamuhay ng may dangal.

Ang sandaling ito ang simula ng sama-samang pagtupad sa hangaring ito.

Maraming salamat sa inyong lahat at mabuhay ang Pilipinas.

END

***